Lalong Sumikat? Katrina Velarde, sinabayan ng daan-daang libong Cebuano sa pagkanta sa UniTeam rally sa Cebu


Daan-daang libong Cebuano ang nakisabay sa singer na si Katrina Velarde sa kanyang pagkanta sa rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte na ginanap sa Cebu City nitong Lunes.

Sa ilang video na kumakalat sa Facebook ay makikita ang pag-perform niya ng awitin na ‘Isang Lahi’ na sinabayan naman ng kanta ng mga tagasuporta ng tambalang BBM-Sara.

Sa kanyang Facebook post, hindi mapigilan magpasalamat ni Katrina sa mga Cebuano dahil sa ngayon lamang siya muli nakakanta sa harap ng napakadaming tao.

“Ngayon lang po ulit ako naka kanta ng ganon kadaming tao, Kinabahan ako. DAGHANG SALAMAT Cebu!” ani Katrina.

Matatandaan na nawalan ng 1,000 followers sa social media si Katrina matapos niyang kumpirmahin ang kanyang pagdalo sa UniTeam rally sa Cebu.

“I already lost 1000 followers. But i am not taking it personally. Still, i respect you. And i appreciate those who respect me too Thank you. Spread love…” sabi ng singer sa kanyang Facebook post.

Dahil dito ay hinimok ng ilang kilalang tagasuporta ng BBM-Sara ang mga netizens na i-follow si Katrina sa social media.

Mula sa pagkakaroon ng 700,000 folloers ay malapit na ngayong umabot sa 1,000,000 followers ang singer na nakilala sa X Factor Philippines.


Lalong Sumikat? Katrina Velarde, sinabayan ng daan-daang libong Cebuano sa pagkanta sa UniTeam rally sa Cebu Lalong Sumikat? Katrina Velarde, sinabayan ng daan-daang libong Cebuano sa pagkanta sa UniTeam rally sa Cebu Reviewed by Pinoy Trends on April 18, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.