Nasigawan? Richard Gordon pinagalitan ang isang Kakampink na humihingi sa kanya ng tubig sa rally “Will you please shut up!”


Hindi napigilan ni senatorial candidate Richard Gordon na pagalitan ang isa sa mga bisita ng Kakampink rally sa Pampanga.

Ito’y matapos pilit humihingi ng tubig na maiinom ang nasabing Kakampink habang nagbibigay ng kanyang talumpati si Gordon.

“Wala kang pambili (ng tubig)? Will you shut up right now I’ll tell you that, If you want water you come over here, nangugulo ka eh,” sabi ni Gordon.

Inulan naman ng batikos sa social media ang ginawang ito ni Gordon na diumano’y hindi nagpakita ng respeto sa kapwa niya Kakampink.

“UniTeam , Prrd and Leni should all agree to this: Gordon does not respect people. Kakampink, DDS, etc. humihingi lang po ang Leni Supporter ng Tubig!!! Ginamit mo lang ang Pharmally.” sabi ni netizen @climberofmanila.

“Mukha naman talagang salbahe yang si Gordon,nanghingi lang tubig yung tao,siguro ang tagal ng nakatayo don di makaalis sa pwesto.” ani @janery0903.

“Kaso ganyan yung attitude? TUBIG lang kinailangan ba nya umasta ng ganyan? Eh paano kung hinimatay yan? RADICAL NA PAGMAMAHAL ay KASAMA NG PAGIINTINDE. Wag tayo magmukhang plastik. Hindi natin kailangan ipilit si Gordon kung maipapasok naman natin mga Senadors natin.”tweet ni @RLou926.

Pero may ilan naman na ipinagtanggol si Gordon dahil may ilan daw talagang mga umaattend sa rally na patuloy ang pagsigaw ng ‘tubig’ kahit na nakakaistorbo na ito sa mga nagsasalitang kandidato.

“It’s disappointing really that Sen Gordon‘s like that. However, I also experienced SOME kakampinks at rallies being unruly with TUBIG TUBIG knowing they should’ve prep before joining the crowd.” paliwanag ni @msterliam.

Wala pang pahayag si Gordon sa kanyang inasal sa nasabing rally.


Nasigawan? Richard Gordon pinagalitan ang isang Kakampink na humihingi sa kanya ng tubig sa rally “Will you please shut up!” Nasigawan? Richard Gordon pinagalitan ang isang Kakampink na humihingi sa kanya ng tubig sa rally “Will you please shut up!” Reviewed by Pinoy Trends on May 04, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.