Nakakasuka Ka! Kapamilya party-list, tinawag na nakakasuka si Ai Ai Delas Alas dahil sa parody campaign video nito na Ligaya Delmonte


Tinawag na “nakakasuka” ni Kapamilya party-list nominee Jerry B. Grácio si Ai-Ai delas Alas dahil sa kanyang pagtulong sa kampanya ni Rep. Mike Defensor.

Ayon kasi kay Gracio ay si Defensor ang isa sa mga nagpasara sa ABS-CBN na diumano’y naging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng libo libong mangagawa.

“Di man lang naisip ni Ai-Ai na si Defensor ang isa sa mga berdugo ng mga manggagawa ng ABS-CBN na naging dahilan kung bakit nawalan ng trabaho ang mga kasama niya sa industriya, sa estasyon na pinanggalingan niya. Nakakasuka siya.” ani Gracio.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang parody campaign video ni Ai-Ai kung saan ay nagpanggap ito na si Quezon City Mayor Joy Belmonte na mahigpit na katunggali ngayon ni Defensor sa pagtakbo bilang alkalde ng nasabing siyudad.

“Magandang BUWAN sa inyong lahat! Sa lahat ng mga REKLAMADOR sa KYUSI… BABALA! Asawa ni Babalu. May mahalaga po akong announcement kaya pakinggan n’yo! Kung ayaw n’yo, LUMAYAS KAYO SA KYUSI! WALA AKONG PAKE.”

“Tulad ni TAGURO, nais ko sanang ibigay ang 100% ng aking lakas upang talunin si MIKE! MIKE DEFENSOR! Ngunit may kakaibang lakas at kapangyarihan ang bumabalot sa kaniya! Malamang ay galing ito kay BBM! BONG-BONG MIKE!”

“Kahit ilang beses ko nang sinubukang pigilan ang mga rally nila, ay nakagawa pa rin sila ng paraan! At tunay naman SILA ang isinisigaw ng bayan. Sigaw ng malayang KYUSI! BBM! Bong-bong Mike! Damang-dama ng bayan. Alam ng mamamayan. Kaya hindi na ako mag-aaksayang makipagplastikan.”

“Ngayon ay ineendorso ko si Mike Defensor bilang bagong MAYOR ng KYUSI. Ayoko na! Ayawan na! Tigilan na natin ‘to! Mahal ni BBM, mahal ng KYUSI. Hindi naninisi, at hindi kayo magsisisi. Hindi kayo paBABAyaan. Kaya pabayaan n’yo na ‘ko! Ayoko na! Ayawan na! Tigilan na natin ito! Ayoko na! Ayawan na! Ayoko na talaga!”

“Nakakasawang maging OPRESOR doon na kayo sa DEFENSOR. Mayora Ligaya Delmonte… NOW SIGNING OFF.” sabi ni Ai-Ai.


Nakakasuka Ka! Kapamilya party-list, tinawag na nakakasuka si Ai Ai Delas Alas dahil sa parody campaign video nito na Ligaya Delmonte Nakakasuka Ka! Kapamilya party-list, tinawag na nakakasuka si Ai Ai Delas Alas dahil sa parody campaign video nito na Ligaya Delmonte Reviewed by Pinoy Trends on May 04, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.