Na Ungkat? Zeus at Chie pumalag sa pagbuhay sa kanilang ‘scandal’ na kumakalat na naman sa Social Media


Umalma sina Zeus Collins at Chie Filomeno matapos muling buhayin ng ilang netizen ang isyu na nagkaroon sila ng sex scandal.

Ilang taon na ang nakaraan ay umugong ang balitang sina Zeus at Chie ay nakunan ng CCTV na nagtatalik sa loob ng isang kotse na nasa isang parking lot.

Ngunit ngayon ay muli itong binuhay sa social media, kaya naman pumalag na ang dalawa.

“Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinag ppost niyo sa FB, kung mag uungkat kayo siguraduhin niyo totoo, wag paulit ulit at wag kayo mangdamay ng ibang tao. ISSUE YARN?” saad ni Chie sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes.

“FAKE NEWS!! Grabe tagal na nitong chismis na to, Baka naman si Zeus Maryosep yang napanood nyo,” wika naman ni Zeus sa kanyang Instagram post.


“Ingat ingat lang kayo baka ma hack yang account nyo dahil dyan, at RESPETO nalang ng konti… dami nadadamay. Masaya ako ngayon at wag nyo ng guluhin pa,” dagdag pa ng aktor.

Ang naturang isyu sa scandal ay nangyari noong mga panahong ang dalawa ay nagkasama sa ‘It’s Showtime,’ kung saan si Zeus ay parte ng Hashtags habang si Chie ay miyembro ng Girltrends.


Na Ungkat? Zeus at Chie pumalag sa pagbuhay sa kanilang ‘scandal’ na kumakalat na naman sa Social Media Na Ungkat? Zeus at Chie pumalag sa pagbuhay sa kanilang ‘scandal’ na kumakalat na naman sa Social Media Reviewed by Pinoy Trends on May 13, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.