Mga Salot? Mayor Sara ibinunyag na hindi makikipagkasundo si BBM sa mga ‘salot sa bayan’ para lang manalo sa halalan


Hindi umano makikipagkasundo si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa mga ‘salot sa bayan’ para lamang manalo sa halalan.

Ito ang sinabi ni UniTeam vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte sa miting de avance na ginawa sa Guimbal, Iloilo noong Martes ng gabi.

“Sa kampanyang ito, hindi si Bongbong Marcos nakipag-usap sa mga grupo na gustong ipabagsak ang gobyerno, sa kampanyang ito hindi siya nakipagkasundo sa mga tao o mga grupo na sumusuporta sa mga grupo na gusto ipabagsak ang gobyerno. Yan si Bongbong Marcos, hindi niya yan ginawa para lang manalo siya,” sabi ni Duterte.

Hindi naman sinabi ni Duterte kung mayroon siyang pinatutungkulang grupo.

“Yan si Bongbong Marcos, iboto niyo. Bongbong Marcos will never sleep with the enemies of the state, never,” dagdag pa ng Davao City Mayor.

Nauna rito ay iniugnay si Vice President Leni Robredo sa mga komunistang grupo dahil sa pakikipag-alyansa nito sa mga militanteng organisasyon.

Sa kanyang talumpati, ikinuwento ni Duterte ang pagkamatay ng isang Larry sa isang pagsabog sa planta ng kahon sa Davao City noong Abril 2017.

Sinunog umano ang planta at bago tumakas ang grupo na tinawag ng alkalde na ‘salot sa bayan’ ay nag-iwan ang mga ito ng bomba.

Tinamaan sa pagsabog si Larry na magtitinda sana ng isda. Siya ay namatay makalipas ang tatlong araw.

Kuwento ni Duterte sa cellphone ng biktima ay nakita ang mensahe na: “I love you, happy anniversary.”

“As a mayor kapag ikaw namamatayan ng ganyan hindi mo yan makakalimutan, every time na tumitingin ako sa mga anak ko nakikita ko ang anak ni Larry, mga bata na nawalan ng tatay dahil sa mga grupo, mga tao na gusto ipabagsak ang gobyerno,” dagdag pa ni Duterte.

Sa huli ay iniugnay ni Duterte ang kuwento ni Larry kay Marcos na hindi umano makikipagkasundo sa mga kalaban ng estado para lamang manalo sa halalan.


Mga Salot? Mayor Sara ibinunyag na hindi makikipagkasundo si BBM sa mga ‘salot sa bayan’ para lang manalo sa halalan Mga Salot? Mayor Sara ibinunyag na hindi makikipagkasundo si BBM sa mga ‘salot sa bayan’ para lang manalo sa halalan Reviewed by Pinoy Trends on May 04, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.