Ipapasara Na? Pastor Apollo Quiboloy pabor na ipasara na ng tuluyan ang University of the Philippines


Pabor si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na tuluyan ng ipasara ang University of the Philippines (UP) dahil diumano sa ginagawang pagra-rally ng mga estudyante nila.

Sa kanyang pahayag, dalawang bagay ang maaring gawin ng susunod na administrasyon sa UP, ang ipasara ito o tanggalin na lamang ang suporta ng gobyerno dito at hayaan ang mga estudyante na magbayad ng tuition fee.

Mas mainam diumano na magtayo na lamang ng panibagong state university ang gobyerno kung saan hindi na kasama ang mga kasalukuyang propesor at estudyante ng UP.

“Gawin nalang secular university yan kung saan ‘yung mag-aaral sila na ang magbabayad ng tuition nila,” ani Quiboloy.

Dapat din daw ay magkaroon ng batas kung saan ay mananagot ang mga opisyal ng UP kapag may ginawang paglabag ang kanilang mga estudyante.

Minungkahi rin nito sa gobyerno na ipatawag ang lahat ng propesor ng UP upang kausapin sila tungkol sa mga estudyante nila na tila mas aktibo na sa pagiging aktibista kaysa sa pagiging mag-aaral.

Matatandaan na hinimok ng ilang grupo sa UP ang mga estudyante na mag-walkout kasunod ng pagkapanalo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang UP sa banat sa kanila ni Quiboloy.


Ipapasara Na? Pastor Apollo Quiboloy pabor na ipasara na ng tuluyan ang University of the Philippines Ipapasara Na? Pastor Apollo Quiboloy pabor na ipasara na ng tuluyan ang University of the Philippines Reviewed by Pinoy Trends on May 14, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.