Di Nandiri? Barbie Imperial inaming hindi raw talaga nandiri sa pagtagay ng inabot lang sa kanya sa Motorcade


Nilinaw ni Barbie Imperial na hindi umano talaga siya nandiri sa shot glass na basta na lamang inabot sa kanya habang nasa motorcade.

Aniya, bago pa man siya mag-artista, sanay na siya sa ganito sa mga probinsya lalo na kung may piyestahan.

Natural lamang umano na kapag pinatagay ay inumin ito kaya hindi siya nakaramdam ng pandidiri.

Nag-viral ang video ni Barbie na walang kiyeme na inabot at ininom ang tagay sa kanya na sinundan pa umano ng chaser.

Natanong si Barbie Imperial kung hindi ba umano ito nandiri sa shot glass na inabot sa kanya para tumagay habang siya ay nasa motorcade.


Nalaman na hindi pala alam ni Barbie na mayroong kumukuha sa kanya ng video noon at inabot lang talaga niya ang tagay sabay inom. Sinundan pa ito ng chaser.

Marami ang nagular na tila walang kiyeme si Barbie na ininom ang tagay at hindi 'nag-pass' sa iniabot sa kanya ng mga nadaanan ng motorcade.

Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, nilinaw nitong hindi umano siya nandiri kahit hindi na niya alam kung ilan na ba ang gumamit at nakainom sa nasabing shot glass.

"Grabe. Hindi ko po in-expect na may nagbi-video pala 'dun. Pero 'yung reaction ko naman po 'nung inabutan ako ng tagay, kasi parang probinsyana rin po ako eh. So sa probinsya namin and fiesta din dun, so pag probinsya talaga 'pag dadaan ka tatagay ka talaga 'pag binigyan ka ng tagay. So parang for me, okay. Tinagay ko talaga siya"

"Hindi po ako nandiri. Parang siguro po 'yung life ko po before, before ako maging artista,  parang ganun din sa mga fiesta. So hindi naman po siya nakakadiri sa 'akin," paliwanag ng aktres.


Di Nandiri? Barbie Imperial inaming hindi raw talaga nandiri sa pagtagay ng inabot lang sa kanya sa Motorcade Di Nandiri? Barbie Imperial inaming hindi raw talaga nandiri sa pagtagay ng inabot lang sa kanya sa Motorcade Reviewed by Pinoy Trends on May 05, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.