May Banta sa Buhay? Defensor Umapela na Pabantayan si BBM sa PSG bago mag May 9 Election!


Tatlong linggo bago ang May 9 elections, umapela si Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa MalacaƱang na ikonsidera na pabantayan sa Presidential Security Group (PSG) si presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Defensor sa mga pangunahing kandidato sa pagkapangulo tanging si Marcos lamang ang walang personal protection mula sa gobyerno dahil hindi ito incumbent government official.

“The problem with our set up here is that if you are not an incumbent official and you run for president or vice president, you have no government protection at all, unlike in the United States,” sabi ni Defensor na siyang kandidato ni Marcos sa pagka-mayor ng Quezon City.

Sa Amerika, ayon kay Defensor, ang lahat ng kandidato sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ay awtomatikong binabantayan ng U.S. Secret Service, na siya ring nagbabantay sa kanilang kasalukuyang Pangulo.

“The Palace should at least offer to provide Bongbong a small PSG team. It is up to him if he accepts or declines the offer,” sabi pa ni Defensor.

Si Vice President Leni Robredo ay mayroong official protection mula sa gobyerno bilang ikalawang pangulo.

Samantalang sina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Panfilo Lacson Sr. ay mayroong mga bantay mula sa gobyerno gayundin si Isko Moreno na siyang mayor ng Maynila.

Ayon pa kay Defensor mayroon ding bantay mula sa gobyerno ang running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte dahil ito ay anak ng Pangulo gayundin ang kalaban nitong si Senate President Vicente Sotto III.

Ang PSG ang pangunahing ahensya na nagbibigay ng close-in security at escort sa Pangulo at Bise Presidente at kanilang pamilya gayundin sa mga dating Pangulo at Ikalawang pangulo at bumibisitang lider ng ibang bansa.


May Banta sa Buhay? Defensor Umapela na Pabantayan si BBM sa PSG bago mag May 9 Election! May Banta sa Buhay? Defensor Umapela na Pabantayan si BBM sa PSG bago mag May 9 Election! Reviewed by Pinoy Trends on April 17, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.